Nina, lumayas na sa poder ng Manager!
Jun Nardo
Agosto 12, 2005
Abante
Lumayas na raw ang singer na si Nina sa poder ng manager niyang
naging bahagi ng matagumpay niyang singing career. Wala namang
sigalot na naganap between Nina and her former manager nang maganap
ang hiwalayan.
Ang narinig namin rason ng singer ay gusto niyang matulungan ang
mother niya na siyang tatayong manager niya ngayon. Gayundin ang
kapatid niyang si King na kahit may pangalan na ay hindi pa rin
makaabante sa kanyang career.
Eh, makakatulong din daw sa mother ni Nina ang komisyon nito sa mga
shows na papasok, kaya nagdesisyon siyang umalis na sa bakuran ng
dating manager.
oo nga 22o b yan? lets wait until we hear more news about this
thanks 4 posting the article
Thanks po
Sir MArtin, thanks din