nina_ricci
Full Member
 
Karma: +0/-0
Offline
Gender: 
Posts: 196
Attitude determines altitude.
View Profile
|
 |
« on: January 26, 2010, 04:50:28 AM » |
by Vinia Vivar Saturday, 23 January 2010 19:16
May bago nang titulo ang Soul Siren na si Nina at ito ay ang The Diamond Soul Siren dahil nga sa katatanggap lang niya ng Diamond Record Award dahil ang kanyang album na Nina Live ay bumenta ng mahigit sa 200,000 copies.
Si Nina ang first female artist na tumanggap ng nasabing record award dahil bumenta nang mahigit sa 200,000 copies ang kanyang Nina Live album. Ang tumatanggap pa lang nito sa lalaki ay sina Jose Mari Chan at ang Eraserheads.
Pero ayon kay Nina, ayaw niyang itanim sa kanyang isip ang kanyang bagong titulo although aniya, siyempre ay masayang-masaya siya sa natanggap na rekognisyon.
“Sobrang ang sarap ng feeling kasi kung baga, in every artist or singer, fulfillment ‘yan eh, na magkaroon ng kahit hindi nga diamond award, kahit anong award, kahit gold ’yan, platinum, fulfillment ’yan sa isang singer. Eh what more kung diamond award, so sobrang ang sarap talaga ng feeling.
“Siyempre, natutuwa na parang tinatawag na nila akong The Diamond Soul Siren pero ako mismo, sinasabi ko nga, hindi ko masabi for myself kasi nga ayokong i-brag na I am The Diamond Soul Siren,” pahayag ni Nina nang makausap namin sa presscon ng kanyang upcoming concert titled Nina: The Diamond Soul Siren na gaganapin sa March 5 and 6 sa Music Museum produced by ASAP Live.
Natanong din kay Nina ang tungkol sa kaso nila ng ex-boyfriend na si Nyoy Volante at say niya, hinihintay na lang daw nila ang sagot sa kanyang plead ngayong January.
Matatandaang idinemanda ni Nina si Nyoy dahil umano sa utang ng pamilya nito na hindi nababayaran at ipinauubaya na lang niya sa korte ang magiging resulta nito but of course, umaasa siyang papabor sa kanya ang korte.
Bago ito ay nagkaroon din sila ng problema ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Jimmy Bondoc tungkol naman sa lupa sa Boracay na binili nila noong panahong may relasyon pa sila.
That time ay nasa pangalan ni Jimmy ang lote kaya nang mag-break sila ay nagkaroon ng problema sa pagta-transfer ng name kay Nina ng kanyang share.
Pero nagpapasalamat naman si Nina dahil naayos na ito at nabigyan na siya ng sariling titulo.
Dahil sa dalawang magkasunod na insidenteng ito, ang moral lesson na natutunan ni Nina, dapat daw ay laging may kontrata sa mga negosasyon.
“Kahit boyfriend mo pa ’yan, dapat laging ikontrata, siguro naman, maiintindihan nila ako sa puntong ’yun,” say ng singer.
May bago nang boyfriend si Nina at nang tanungin kung nag-attempt na itong umutang sa kanya, natatawa niyang say, “ay, hindi, baka nga ako pa ang mangutang sa kanya.”
Balitang rich ang boyfriend ni Nina kaya siguro naman ay hindi mangyayari sa kanila ang naranasang problema ng singer sa mga ex-boyfriends.
* * *
Simula nang mag-pilot episode last Jan. 18 (Monday) ang Kung Tayo’y Magkalalayo na nakakuha ng napakataas na ratings na 34.4% sa AGB Metro Manila survey at 36.4% naman sa TNS, patuloy pa rin ang pag-arangkada nito nang mga sumunod na araw at mas nahigitan pa ang ratings ng pilot.
Noong Tuesday ay nakakuha ito ng 37.3% sa TNS national ratings, 37.5% naman last Wednesday (Jan. 20) at noong Huwebes (Jan. 21) ay nakakuha naman ito ng 37.3%.
So far, ang ratings ng pilot na nakuha ng serye ang siyang pinakamataas na pilot ng Gerald Anderson-Kim Chiu teleserye beating Tayong Dalawa’s 30.8% last year, gayundin ang Sana Maulit Muli noong 2007 na nakakuha naman ng pilot ratings na 31.5%.
Kaya naman masayang-masaya ang lahat ng cast na bumubuo ng serye, gayundin ang staff and direktor.
Dahil sa success ng Kung Tayo’y Magkaka-layo, inaasahan nang ma-giging box-office rin ang movie nina Kim and Gerald na Paano Na Kaya ng Star Cinema na magsisimula namang magbukas sa mga sinehan ngayong January 27.
|