Nina Soul Siren

The Official Website of Nina - The Philippine's Soul Siren and the first and only female Diamond Record Awardee
 NINA SOUL SIREN Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
  158769 Posts in 1895 Topics by 4209 Members Latest Member: jRose
* HOME HELP CALENDAR LOGIN REGISTER 
« previous next »
Pages: [1] Print
Author Topic: We're also victims of Ondoy...  (Read 1087 times)
shai_loves_nina
Hero Member
*****

Karma: +0/-0
Offline

Posts: 551


View Profile WWW
« on: October 01, 2009, 02:15:27 PM »

Address 1: Blk. 09 Lot 34 South Fairway Homes,
                 Barangay Landayan, San Pedro, Laguna

Address 2: 678 Sales St. Sta.Cruz, Manila


Sept. 26, 2009 (Sat):

*Manila - Di kalakasan yung ulan ngunit patuloy ang pagtaas ng tubig,hanggang sa unti-unti ng pinasok ng tubig-baha na may halo pang langis ang ofis-residence nmin..pinagtulungan nming itaas ang lahat ng mga gmit na pwedeng mabasa o masira..ginawa na nmin ang lahat ng aming makakaya pra mapigilan ang pagdaloy nito ngunit nabigo pa rin kmi sa lakas ng kalamidad..grounded na yung kabilang kanto nmin na malapit na sa tulay ng quiapo na napuno na rin ng tubig-baha ang ilalim nito at pumantay na sa kalsada ng isetann..lahat ng mga residente ay nangangambang baka magkasunog pa sa amin hanggang sa tuluyan ng nawalan ng kuryente..kinagabihan, kinailangan nming lumusong sa baha na hanggang baywang sa avenida para makahanap ng matutulugan upang makaiwas sa sunog, bagyo at baha, wala rin kaming ibang mapuntahan dahil walang masakyan at puro tubig ang kalsada..puno ang mga hotel/motel
hanggang sa makakuha kmi ng kahuli-hulihang bakanteng kwarto sa Halina-Prince at dun kmi nagpalipas ng gabi..

*Landayan - Sobrang lakas ng ulan at hangin, unti2x na ring tumataas ang baha sa kalsada..hanggang sa pinasok na ng tubig ang 1 van nmin..at tuluyan na rin itong pumasok sa bahay nmin na kinailangan ng ibaba ang breaker pra maiwasan ang sunog..tawag dto-tawag dun ang mga magulang nmin at kming magkapatid dahil magkakahiwalay kming lahat..ako nsa manila, c bunso nsa landayan, c mommy nsa mamplasan at c dad nsa cabanatuan..d na malaman ng kapatid
ko at ng mga kasama nya kung ano ang kanilang gagawin sa mga gamit sa bahay at sasakayan dahil lumalakas na ang pagdaloy ng tubig sa loob..hanggang sa nakatanggap na ng text ang mother ko mula sa kapatid ko na kinakailangan na nilang lumikas, humingi na sila ng saklolo sa katabing-bahay nmin na may 2nd floor at dun na nagpalipas ng gabi na ang tanging dala nya lamang ay ang kanyang laptop..malamig, malamok, walang pagkain, madilim at higit sa lahat,
malayo sa pamilya..nung gabi ding iyon, nagtxt ang mother ko na di bale ng mawala ang lahat, basta safe kaming magkapatid..

*Mamplasan - Sobrang lakas din ng ulan at hangin..di makaalis ang mother ko dahil baha na rin ang mga dadaanan nya para mapuntahan at masaklolohan kaming magkapatid..wala syang ibang magawa kundi ang mag-alala at tumawag saming magkapatid gamit ang celphone at landline..hanggang sa dun na sya sa mobile office nagpalipas ng gabi..


Sept. 27, 2009 (Sun):

*Pagsikat pa lang ng araw ay nakahanda na ang mother kong sumaklolo sa kapatid ko..nagpasama ito sa 2 tao at lumusong sa baha na hanggang dibdib kahit di sya marunong lumangoy..madalian nilang kinuha ang kapatid ko at mga kasama nito sa 2nd floor ng kapitbahay nmin sa kadahilanang patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig at bugso ng ulan..niyakap nya ito ng mahigpit at sabay2x na silang bumiyahe paluwas ng maynila..nagkita-kita kaming mag-iina..laking pasasalamat pa rin nmin na kahit naWashed-out ang laman ng buong bahay at sasakyan nmin ay masaya pa rin kmi dahil kmi ay ligtas at buhay..

Sept. 28, 2009 (Mon):

*Dumating na ang father ko galing cabanatuan at naghanda na kaming lahat pati mga tao nmin para maisalba man lang ang ilang damit, gamit at sasakyan..kami na galing maynila at mga tao nmin na galing mamplasan ay nagkita-kita sa landayan (malapit sa pacita)..pagpasok pa lang sa barangay ay mataas na ang tubig at napansin na nmin na ang mga tao ay nagsisilikas ng lahat bitbit ang kani-kanilang mga gamit..dyos ko, ang buong subdivision ay lubog sa baha..karamihan
ay may kanya-kanya ng balsa at bangka panghakot ng mga gamit..lumusong kami sa tubig-baha na hanggang dibdib pa rin ang taas kahit nakalipas na ang 2 araw..pagpasok pa lang sa kanto papunta sa aming bahay ay tanaw na nmin ang aming sasakyan na nakalubog sa tubig-baha..habang papalapit sa bahay ay unti-unti na ring namumuo ang luha sa aming mga mata..ang lahat ng pinaghirapan nmin ng dugo at pawis ay lubog sa tubig..pagpasok nmin ay madilim..lahat ng gamit ay
nagkalat..nakalutang..basa..nakalubog..ang tangi lang nmin binigyan ng priority ay ang mga libro (na nakapatong sa ibabaw ng cabinet) at uniporme (kahit basa) ng kapatid kong nag-aaral ng medicine..at ang sasakyan..at wala na..pinagtulungan nming itulak ang sasakyan na puno ng tubig palabas ng subdivision na may layong mahigit 1 kilometro..hanggang sa kalsada palabas ay nagtrapik kahit mga tao, balsa, bangka at mga sasakyan na itinutulak din ang nandun..may
mga taong umiiyak..tulala..na para bang nawalan ng pag-asa dahil lubog sa baha ang lahat ng kabuhayan nila..kaming pamilya ay tahimik..pilit nilalabanan ang mga luha at ang nararamdaman dahil ayaw nming panghinaan ng loob at mawalan ng pag-asa..

*Dito po kaming lahat sa maynila nakastay ngayon,siksikan..makikitira lang muna ang kapatid ko sa dorm ng kanyang kaklase pra makapaghanda sa klase next week..ang mga magulang at kapatid ko ay walang kadamit-damit, pinasuot ko muna sa knila ang iilang damit ko dto sa maynila dahil ang mga gamit ko karamihan ay nsa laguna din..pansamantala ay hahanap muna cla ng mauupahan sa laguna dahil hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring tumataas ang tubig sa bahay sa kadahilanang katabi lang ng subdivision ang karugtong ng laguna bay kaya ito'y magtatagal pang nakalubog sa tubig-baha..at may paparating na nman pong bagyo..

Sept. 29, 2009 (Tues):

*Karamihan po ng mga tao nmin ay mga taga-laguna din, binaha rin sila..lubog ang bahay..may gumuho pa..may tao pa kaming nasunugan sa Agno st, malapit sa sto.domingo church, quezon ave. habang sila'y binabaha..pare-pareho po kming nagsilikas sa mga kanya-kanyang tahanan..

*Ang anuman pong donasyon ay lubos po nming tatanggapin, hindi lang po para sa amin..ito po ay ipangtutulong ko din sa aming mga tao na mas higit pong nangangailangan ng tulong..wala po akong maipakitang picture or video sa kadahilanang wala po kaming kagamit-gamit nung kami ay lumusong sa tubig dahil mababasa lamang ang mga ito..hindi po ito isang kalokohan, kilala nyo nman po ako..but swear to almighty god na totoo pong lahat ang aking mga isinulat..pwede nyo pong ipadala sa UCPB ang inyong maaaring itulong..maraming maraming salamat po..account name: shailini v. frayna..account# 108-141830-0..or sa ibang pagpapadalhan..eto po ang aking contact# 09325486926..maraming salamat po ulit..god bless..

Sept. 30, 2009 (Wed):

*Sa balita sa tv..hanggang ngayon ay nagmistulang ilog pa rin sa laguna..paparating na po ang panibagong bagyo..wala pa rin pong rescue or relief operations ang dumarating sa amin sa landayan..dto pa rin po kaming lahat nakaStay sa sta.cruz hanggang ngayon..

Oct. 01, 2009 (Thurs):

*Pinakita sa balita ngayong gabi ang barangay nmin sa san pedro, laguna..may mga militar na po dun kaya lang nakatambay lang, wala nman pong ginagawa..hindi tumutulong..reklamo pa ng mga residente sa amin, hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang aksyon ang gobyerno..wala pong malabasan ang tubig sa laguna bay..aabutin pa raw po ng 3-4 na buwan ang tubig sa amin, magpapakawala na nman daw ng tubig kaya patuloy pa rin itong tataas..imbes na humupa..
« Last Edit: October 02, 2009, 09:38:45 AM by shai_loves_nina » Logged

"I cud not ask 4 more than this time together..I cud not ask 4 more than this time with you..Every prayer has been answered..Every dream I have's come true..And right here in this moment is right where I'm meant to be..Here with you..Here with me.."
shai_loves_nina
Hero Member
*****

Karma: +0/-0
Offline

Posts: 551


View Profile WWW
« Reply #1 on: October 24, 2009, 11:36:02 PM »

whew! nakalipat na po kmi dto sa binan, laguna..nagkakaubusan na po kc ng malilipatang bahay..until now po, baha pa rin samin sa south fairway homes..ang itim na raw po na tubig-baha, parang putik na..d pa rin maresolve ng local government yung problema sa landayan..ang sabi pa ng Mayor, ipapademolish nya raw yung mga bahay sa subdivision..nagtatalo na cla nung nagpagawa ng subdivsion eh private po yun at titulado..

salamat po sa mga tumulong smin lalong-lalo na po kay sir jan & rapha banson for sending P50,000.00..maraming maraming salamat po tlga sa tulong nyo smin..god bless po..
Logged

"I cud not ask 4 more than this time together..I cud not ask 4 more than this time with you..Every prayer has been answered..Every dream I have's come true..And right here in this moment is right where I'm meant to be..Here with you..Here with me.."
Pages: [1] Print
 
« previous next »
Jump to:  
Powered by SMF 1.1.12 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC